Yakang Yaka
Shit. 2:15 na. Baka nasa klase na siya, ang aga aga pa man din niya kung pumasok.
Humaripas ng takbo si Pura papunta sa di kalayuang gusali upang hanapin si Carms. Umaasa siyang hindi pa nakapapasok sa klasrum si Carms upang makausap niya ito. Habang tumatakbo ay dinudukot niya mula sa kanyang bag ang kanyang telepono. Agad na idinial ang numero ni Carms.
Oh come on Carms. Pick up the stupid fone. I am breaking up with you. Argh. Y U NO PICK UP THE FONE?
Mukha ng tanga si Pura sa pagsasalita sa kanyang sarili. Hindi sumasagot si Carms sa telepono. Kinuha naman niya ang kanyang notebook at tiningnan kung tama nga ba ang kayang pinuntahang gusali at kung tama nga ba ang oras ng kanyang pagpunta. Humanap siya ng kakilala na maaari niyang pagtanungan kung nasaan nga ba ang kanyang ‘soon-to-be-ex’ girlfriend.
“Hi Luis! Nakita mo ba si Carms?” tanong ni Pura.
“Uh, last time I noticed her eh nasa apartment siya, hindi mo ba alam? Pugto na mata niya dahil sa kaiiyak. Paranoid daw na baka iwanan mo na siya. Nanaginip daw ng masama noong isang gabi e, hindi pa rin maka get over. Mabuti pa, puntahan mo na lang”, sabi ni Luis.
“Talaga? Wala kasi siyang sinasabi sakin e. Malay ko ba.”
“Ikaw ha, parang kiber na lang sa’yo na humahagulgol ang iyong sinisinta. Punta na roon at ayusin niyo yan.”
“K thanks bye!”
At heto na naman si kumareng Pura, haharipas na sana ng takbo ngunit pagod na. Kung kaya’t pumara na lang siya ng jeep papunta sa apartment ng kanyang kasintahan.
“Makikiabot po ng bayad. Isa lang po sa junction, estudyante. Salamat.”
Habang nakasakay sa jeep ay nag iisip na ng sasabihin si Pura. Ngunit dahil sa sobrang kaba, hindi na yata niya malaman kung itutuloy pa ang pakikipaghiwalay, o hahayaan na lamang niyang sumabay sa agos ng kanilang relasyon upang wala nang masaktan pa.
Gago. Kaya mo ‘to. Nagawa mo nga siyang ligawan e, kaya mo rin siyang pakawalan. Para to sa ikabubuti niyong pareho. Go. Go. Go!
“Sa kanto na lang ho”
Pagkababani Pura ay tiningnan niya nang may pag aalinlangan ang bahay na tinutuluyan ni Carms. Huminga nang malalim at hinawakan ang doorknob.
“Carms? Pabukas naman ng pinto.”
“Babe? Oh thank God you are here. Babe, alam mo bang na pa paranoid ako na iiw…”
Hindi na pinatapos ni Pura si Carms na magsalita at agad na hinawakan ni Pura ang kamay ng isa. Hinigpitan ang hawak na animo’y ipinadadama ang kanyang pagmamahal at walang dapat ikatakot si Carms. Ginawa lamang ito ni Pura upang kalmahin ang kasintahan.
“Babe, listen. Upo ka. I have something to tell you”, sabi ni Pura na tila nangingilid ang luha.
“What? Iiwanan mo ako? Please babe, ‘wag. Di ko yata kakayanin. Please. Alam mo bang na pa paranoid na talaga ako dahil napanaginipan ko na pumunta ka daw dito sa bahay at kinausap ako. Ang natandaan ko na lang eh iniwan mo raw akong duguan ang heart ko. Tapos, nag good bye ka na lang daw tapos hindi ko daw kinaya at nagpakamatay raw ako. Tapos hindi ka raw pumunta sa libing ko kasi ayaw mo akong makita na ibinababa sa hukay at tinatapunan ng mga rosas na puti, tulad nung ibinigay mo sakin nung nanliligaw ka pa lang. Babe please wag”, sabi ni Carms habang nakayakap kay Pura.
“Babe, wag ka naman mag stick sa mga ganyang mga dreams. That’s bad. Ganito. Uh, let me put it this way. Let me tell you a story na lang. Sa story mo malalaman kung ano ang gusto kong sabihin sayo. Would that be okay with you?”
“Okay babe, then tell me the fuckin’ story”, sabi ni Carms na tila alam na kung saan hahantong ang kanilang usapan.
“Putang*na. Pura, kung iiwan mo ko, sabihin mo na ngayon na! Don’t prolong my agony anymore!”
“Okay! Okay, I am breaking up with you, got that? It’s just that napapansin ko lang kasi na para talagang hindi tayo ang para sa isa’t isa. Masyado kang immature para sakin, not that I’m claiming na ako ay mature. Para kasing walang umuunlad sa ating dalawa. Naghihilahan tayo pareho pababa. Oo, pareho nga tayo ng mga interes at mga naisin sa buhay pero hindi ‘yun sapat para masabi na compatible nga talaga tayo. Parang sa tingin ko, ikaw lang ang naliligayahan sa ganito nating estado. Hindi ko na talaga kaya pang magsinungaling tungkol sa nararamdaman ko, Carms. I’m fed up! Kaya sana, respetuhin mo na lang ang desisyon kong makipaghiwalay sayo. Salamat sa lahat, naging…”
“OH, FUCK YOU PURA! Sa lahat ng naging karelasyon ko, ikaw pa ang may ganang i-dump ako nang basta basta? Oo, ikaw ang una kong nakarelasyon na babae, at gusto ko pa nga sana sa kanilang ipakita na kahit lesbian relationship to, this will work and will last a lifetime. Pero sa nakikita ko…”
“Oh you are the one who should shut up! Ano bang pinagkaiba nito sa…”
“Are you telling me to shut up? Fuck you!” at nag-init na nang tuluyan si Carms. Ang palad niya’y animo’y nag-aalab sa pagsuntok kay Pura, ngunit hindi niya ito magawa. Tumalikod siya pansamantala at binigyan ng dirty finger si Pura.
“Oh, come one, Carms. Wala na bang katapusan iyang kainitan ng ulo mo? And as I was saying. Wala namang pinagkaiba ang lesbian relationship sa heterosexual relationship when it comes to handling. Wala tayong mali dito. Tanging ang lipunan lang ang nananatiling sarado ang isipan sa pag tanggap sa mga taong tulad natin. It’s not our fault we fell in love with each other. Kaya kung sasabihin mo na sinuong mo ang lahat para sa relasyong ito, fuck you. Masisisi mo ba ang sarili mo dahil sa pagmamahalan na to? If that would be the case, then you are only giving me another reason to leave you”, usal ni Pura na nagngangalit sa galit.
Walang humapay sa pagtulo ang mga luha ni Carms na tila daig pa niya ang namatayan. Daig pa niya halos ang isang nagluluksa, naging biyuda, at sa kanyang pagtingin, hinding-hindi na siya muling iibig sa kahit sinong tao—mapa babae man o lalaki, wala na talaga. Dahil sa oras na sinagot niya noon si Pura ay tanging ang nakikita niyang larawan ng kinabukasan ay kasama si Pura, sa hirap at ginhawa. Naupo sa isang sulok si Carms at tila nawawala na sa sarili. Nilapitan siya ni Pura, subalit ang tumambad lamang kay Pura ay isang imahe ng babaeng tila napundi. Paglapit niya kay Carms, isang malakas na sampal ang kanyang natamo. Namumula sa galit si Carms. Kaninang kanina pa niya pinipigilan ang kanyang sarili sa pananampal sa dating karelasyon. Lumatay sa mukha ni Pura ang palad ng dating kasintahan, namumula at tila nababahiran ng agitasyon.
“Umalis ka na. Nakikiusap na ako sayo, Pura. Please. Kung gusto mong hindi ako mabaliw dahil sa pang iiwan mo sakin, umalis ka na, UMALIS KA NA!”
Agad na dinampot ni Pura ang kanyang bag at dali-daling umalis sa apartment ni Carms na tila may tinatakasang asong ulol.