Lunes, Setyembre 5, 2011

Bumabaha ng Grasya

BUMABAHA NG GRASYA

Sa kanyang panaginip ay nasariwa niya kung paano siya nalunod  --nalunod sa sobrang dami ng mga pangarap na alam niya sa kanyang sarili na ni minsan ay hindi matutupad.

Simula nang makatungtong siya sa kolehiyo, nilasap niya ang sariwang hangin ng kalayaan. Dahil sa nag aaral siya sa isang unibersidad, batid niyang malawak ang pang unawa ng mga taong papaligid sa kanyang bagong atmostpera. Maiintindihan nila ang kanyang nais sa buhay.

Naalala niya ang mga panahong siya ay nasa dormitoryo ng unibersidad. Umuulan ng biyaya! Umuulan ng mga babae. Mga babaeng matatalino at magaganda. Mga babaeng hindi maaarte, mga babaeng may disiplina at may pangarap sa buhay. Sa madali’t salita, mga babaeng kahali-halina sa paningin at panlasa ni Pura. Umuulan ng grasya! Sa tuwing matutulog si Pura ay hindi na niya kailangan pang humanap ng inspirasyon sa pagguhit dahil abot tanaw na ang mga naggagandahang babae sa dormitoryo. Mga walang keme sa katawan, nakikipagpilahan sa umaga para makapaligo. Mga naglalaba ng damit sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Ngunit kanyang napagtanto na kahit ano man ang kanyang gawin, sadyang hindi niya kayang paibigin ang sinumang kanyang matipuhan. Batid niya kasing hindi siya papatulan at baka mandiri pa sa kanya ang babaeng kanyang napupusuan. Hanggang silip at tanaw na lamang siya. Talagang mailap ang tadhana, wala sa dormitoryo ang babaeng tama para sa kanya. Naisip niya na talagang wala siyang pag asa. Naramdaman ulit ni Pura ang napakapait na kabiguan sa pag-ibig.

Sa mga sandaling iyon na punumpuno si Pura ng hinagpis at kalungkutan, naalimpungatan siya sa tunog ng kanyang alarm.

 “Makapunta na nga lang sa tambayan. Nakaka bad vibes na masyado,” ani Pura.
Agad siyang bumangon sa kanyang kama, iniligpit ang kanyang laptop, lumabas ng apartment at dali-daling bumili ng yosi sa kanto. Habang naglalakad papuntang tambayan, narinig niyang may tumatawag sa kanyang cellphone.

“Hello. Uy Carms, nasan ka? Madilim na, mag iingat ka sa daan ha.”

“Nandito lang ako sa may tambayan. Ikaw ba, saan ka pupunta babe?”

“Papunta rin diyan. May dala akong yosi. Magkita nalang tayo dun.”

“Okay babe, ingat ka. I love you!”

“orayt. See you”

Anlamig ng pakikitungo ni Pura kay Carms. Hindi man lamang nag I love you si Pura. Sa isang banda, nahahalata na ni Carms na talagang hindi normal ang ikinikilos ni Pura sa mga sandaling iyon.

“Hanggang kalian ba kita mamahalin? Trages, would you please get out of my mind?”, naiinis na ibinulong ni Pura sa kanyang sarili.

Sinipa niya ang batong nakaharang sa kanyang dinadaanan. Nagimbal ang dalawang pusang naglalandian sa isang sulok. Humaripas sila ng takbo at biglang tumumba ang yerong natamaan ng batong sinipa ni Pura.  Napuna niyang may spraypaint na katabi ang yero. Pinulot niya ito at inalog. Napangiti si Pura nang maramdaman niyang may laman pa ito.

Pumunta siya sa pinakamalapit na dingding, at inispreyan ang sulok. Nilagyan niya ito ng lettering na ‘’SYNTAX ERROR’’.

“Prrrrrttt! Hoy, anong ginagawa mo diyan? Alis! Prrrrrt!’’, sabi ng botsok na pulis.

“Putang*na!”, agad na humaripas ng takbo si Pura at itinapon sa basurahan ang spreypaint na walang laman.

Tumakbo siya sa isang sulok. Palibhasa’y nasa dilim siya kanina, pakiramdam niya’y hindi siya napagmasdang mainam ng gwardiya. Tumakbo siya sa lugar na maraming tao. Naglagay ng bonnet si Pura, binaliktad ang kanyang reversible na jacket at inilagay sa baywang. Nagsuot ng Ray Ban na salamin at bumili sa isang tindahan ng inumin.

Nakaligtas si Pura sa pigoy, tawag ng mga mag aaral sa mga pulis sa campus. Agad siyang tumakbo papunta sa tambayan. Doon niya nakita si Carms, naka upo sa mesa habang kausap ang ilang kabarkada.

“Purs! Ansaveh ng porma mo? Haha! Lagot ka kay Carms, parang may iba kang pinopormahan ha!”, nakangiting patutsada ni Emil, isa sa mga kabarkada nila.

“Please Emil, mainit ang ulo ko. Okay? Shut up muna, pwede?’’, mataray na sinabi ni Pura kay Emil.

“Okey, ano pa nga ba’ng magagawa ko?’’, tugon ni Emil.

Kakaunti lamang sila sa tambayan noong gabing iyon. Naroroon lamang ay sina Pura, Carms, Marty, Emil at Becka.

“O, ispin da bote tayo pips!”, ulot ni Gardo.

“Walang KJ ha! Kukutusan ko ang magiging KJ dito!”, sabi ni Emil.

Pinaikot ni Becka ang bote, at sa bawat ikot ng bote ay tila nanlulumo si Pura. Hindi niya mawari kung ano ba ang kanyang nararamdaman. Hawak ni Carms ang kamay ni Pura. Napuna niya na nanlalamig si Pura at parang wala sa sarili.

“Babe, okay ka lang ba?”, tanong ni Carms sa nobya.

“Perfectly fine”, nakangiting sagot ni Pura sa kanyang sinisinta.

Bigla na lamang namutla si Pura. Hindi niya inakalang mapapatapat sa kanya ang bote. Natakot siya dahil baka  ungkatin na naman ang kanyang nakaraan. Ganoon kasi ang kanyang mga kabarkada. Kahit anong sugat na pagkalalim lalim ay walang ligtas sa kanilang pangangalikot. Pilit na aalisin ang langib ng sugat ng nakaraan at gagawing sariwa muli ang sugat na ito, hanggang sa magdugo.

“Oh Purs, ang tanong…”, pakabang sinabi ni Becka.

Kinakabog si Pura. Lalo na ngayong naalala niya si Nica ay parang litong-lito siya sa kanyang sarili. Kung sino ba talaga ang marapat niyang mahalin. Pilit niyang isinasaisip na talagang nagkataon lamang na nakita niya ang litrato nila ni Nica sa kanyang laptop. Nanginginig si Pura. Hindi niya malaman ang kanyang isasagot kung sakaling itanong sa kanya ang tungkol kay Nica. Paano na lamang kung itanong nila kung mahal pa niya si Nica? Hindi maaari, nariyan si Carms, masyadong masasaktan. Sensitib si Carms, ultimo mga nag cocomment sa wall at posts nitong si Pura ay bantay sarado. Hindi naman sa nasasakal siya, ngunit talagang ayaw na ayaw lamang ni Carms na maagaw sa kanya ng ibang babae si Pura. Marami kasing nagkakagusto kay Pura na mga babae, lalo na yaong mga nanggaling sa eksklusib na paaralaan noon hayskul.

“Tangina, ayusin niyo ang tanong niyo, bibigwasan ko kayo ng isa!”, kinakabahang sinabi ni Pura sa mga kasama.

“Relaks ka lang Purs, wag ganyan. Nagmumukha kang baliw e”, ani Marty.

Bumulong si Becka kay Marty. Lalo itong nagpakaba kay Pura sa maaaring maitanong sa kanya. Agad na Dumukot ng yosi sa bulsa si Pura at inalok ang kasintahan.

“Gusto mo babe?”, sabi ni Pura nang may gumagaralgal na boses.

“Babe, kanina pa ko nagyoyosi. Ikaw na lang muna, okay?”, tugon ni Carms.

Mukhang maraming ibinubulong itong si Becka kay Marty. At mukhang si Marty ay natatawa sa mag sinasabi ni Becka. Inip na inip na si Pura sa kahihintay para sa tanong.

“Hoy, ano na? Mukha na kong timang dito. Punyeta naman o, ano ba yang tanong na yan?”, sinabi ni Pura na tila may halo nang galit.

“Here’s the question: kung ikaw ay bibigyan ng pondo para magpatayo ng isang establisimento pagka gradweyt mo sa kolehiyo, ano ito? Saan mo itatayo? Ano ang magiging pangalan ng iyong ipapatayo? Sino ang market nito at bakit?”, seryosong itinanong ni Becka.

“Putang*na. Akala ko kung ano na yang itatanong niyo e. Nakaka bad vibes kayo! Teka, bakit naman napaka seryoso ng dating ng tanong na ‘yan? Miss Universe ba ‘to? Hahaha!”, natatawang sinabi ni Pura.
“ikaw ang madaya. Ang layo layo naman ng sagot mo sa tanong ko e! sagot muna kasi!”, naiinis na sinabi ni Becka.

Maraming Ibabalik

MARAMING IBABALIK

“Shit, baha!”

“Trages, naiwan ko payong ko sa dorm, keribels ba ‘pag bumalik pa tayo?”

Dalawang babae ang nagsisipagtakbuhan at sumusugod sa ulan, walang dalang payong, at pawang naka tsinelas. Ang isa’y nakapantalon at ang isa’y naka dangkal shorts. Isang maikli ang buhok, at hanggang balikat naman ang sa isa. Nagmamadali sila papuntang klase sa isang hindi naman kalayuang gusali. Ang kamay ng isang babae ay nakapatong sa ulo ng kanyang kasama.  Nang makahanap sila ng masisilungan, agad na dumukot ng panyo sa bulsa ang babaeng maikli nag buhok at agarang pinunasan ang mukha at braso ng kanyang kasama.

“Shit lang, bad hair day! Wa poise! Babe, dehins ko na keri, after this, uuwi na ako sa dorm at maliligo.”, sabi ni Carms  kay Pura.

Hinaplos ni Pura ang buhok ni Carms at sinabing “Hay nako babe, pagkatapos ng class mo sa bot, uwi ka na ng dorm ha, maligo ka na”.

“Okay babe, ingat ka ha, I love you!”, nakangiting sagot ni Carms, sabay halik sa pisngi ni Pura.

Naghiwalay ng daan ang dalawa. Nakasimangot si pura at tila wala pang tulog. Daig pa yata ni Pura ang hindi natulog ng tatlong araw sa sobrang laki at itim ng eyebags,. Hindi niya alintana ang lakas ng ulan at naglakad siya pauwi na parang kasama siya sa prusisyon.

Si Pauline Rizalina dela Paz, mas kilala sa campus bilang si Pura, ay isa lamang sa mga babaeng syntax error sa kanilang campus. Syntax error na ang ibig sabihin ay hindi mawari ang kanyang napiling kasarian. Hindi naman siya maituturing na cross dresser tulad ng ibang tomboy sa campus na halos sadsad ang gupit ng buhok , nakasuot ng maluluwag na t shirt at naka tokong na pang ibaba kasama na rin ng tsinelas na tila barko sa laki.

Ang girlfriend naman niyang si Carms ay isang tipikal na babae –mahilig mag dangkal shorts, mag blouse, at magsuot ng mga napakatataas na heels. Hindi naman siya maituturing na malanding tipo ng babae, hindi siya pala lapit sa lalaki. Tanging si Pura pa lamang ang kanyang nakakarelasyon at lagi niyang sinasabi na si Pura na daw ang huling mamahalin niya. Mag iisang taon na rin naming mag-on sina Pura at Carms. Fourth year pa lamang ay hindi nagpatinag si Pura na ligawan itong si Carms, palibhasa’y alam niyang ayaw ni Carms sa lalaki.

“Tangina lang. Hirap na ko. Parang ayoko na. Naguguluhan na ko,” malungkot na sinabi ni Pura sa kanyang sarili.

Nang makarating si Pura sa tinutuluyan niyang apartment, agad niyang ibinaba ang kanyang bag, umakyat sa dobol deck at humiga. Nakatitig lamang sa kawalan si Pura at parang litung-lito sa kanyang buhay. Kinuha niya ang kanyang laptop, sinaksak ang kurdon at nagsimulang mag type ng kanyang synthesis paper para sa kanyang GE.

“Nakakadugyot mag-isip ng i-sysynthesize, trages. Makapag facebook na nga lang!Hays,” malungkot na sinabi ni Pura sa kanyang sarili.

Inaliw ni Pura ang sarili sa mga litrato na nakapagpapa alala sa kanya sa kanyang nakaraan. Kanyang tiningnan kung gaano sila kasaya ng kanyang mga kabarkada noong hayskul pa sila. Bawat groupings, bawat lakad at lakwastsa yata ay may litrato sila. Bawat kainan sa mall, meron. At hindi lang yan, hindi naman sila syempre magpapatalo at pati sa Enchanted Kingdom ay may habol pang litrato.

“Grabe, ang taba taba ko pa noon! Kung hindi siguro ako nagpa payat nung second year, di ako makakakuha ng girlfriend. Buti na lang talaga. Hahahaha! Grabe, ansaya maging hayskul!” sabi ni Pura.

Habang tumitingin siya sa mga litrato ay tila nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napalitan ng lungkot. Ang kaninang mangiyak-ngiyak na mata sa katatawa ay napalitan ng mangilid-ngilid na luha na hindi maipinta sa kanyang mukha. Nakita niya kasi ang litrato niya ng kanyang ex na si Veronica habang nakasakay sa isang ride sa Enchanted Kingdom. Kapwa magkahawak kamay na tila walang balak bumitaw.

“Nica, hays. Miss na kita. Miss ko na kung pano mo ako kilitiin habang nasa ride na yan,” sabi ni Pura.

Nagkakilala sina Pura at Nica sa kanyang paaralan noong hayskul. Dalawang taon ang kanilang agwat.  Fourth year highschool noon si Pura at second year naman si Nica, kapwa nasa pinakamataas na seksyon sa kanilang paaralan. Laging ipinagmamalaki ni Pura si Nica sa tuwing nananalo siya sa mga kontest sa loob at labas ng paaralan sa larangan ng paggawa ng tula, pagpipinta, pagguhit, at pag tatalumpati. Lubos niya pa irng ipinagmamalaki ang kanyang iniirog bagama’t sila’y mayroong ipinagbabawal na pag-iibigan. Sino ba naman ang hindi siya ipagmamalaki? Muse sa kanilang section, certified artist at isang intelektwal sa kanilang paaralan! Talaga namang sobra ang tuwa ni Pura nang sagutin siya ng matamis na oo ni Nica. Halos ilibre niya ang buong klase sa sobrang tuwa at napasakanya na ang babaeng kanyang matagal ng minimithi.
Naging maganda ang kanilang pagsasama. Walang problemang hindi naayos bago sila matulog sa gabi. Nagkikita sila halos araw araw, maliban sa araw ng Linggo. Pareho sila ng mga interes.Ngunit habang tumatagal ay padalas na ng padalas ang kanilang mga alitan, ang kanilang bangayan. Dumating ang araw na kinatatakutan ni Pura, hiniwalayan siya ni Nica.

Hindi pa rin naman nagpatinag itong si Pura at sinuyong muli si Nica. Nagkabalikan sila ng ilang buwan at dahil pa rin sa kanilang mga alitan, naghiwalay muli sila. Nasundan ng isa pa. Sobrang nadudugyot na ang utak at puso ni Pura sa mga nagaganap. Hindi na siya makapag isip ng tama., Sorbang litung-lito na si Pura sa mga nagaganap. Minsa’y nakikita siya ng kanyang mga kabarkada na umiiyak sa daan. Hinayaan na lamang nila siya at inintindi. Pilit na pinapasaya si Pura ng kanyang mga kabarkada. Hanggang sa magkabalikan muli sila.
 Lumipas ang mga araw, lingo at buwan, tila napakaganda ng kanilang samahan hanggang sa naganap ang pinakamatindi nilang pagsubok. Pagkalipas ng ilang buwan na puro ligaya at kaunting alitan, nabulabog na ang kanilang mga mundo. Nakita ng nanay ni Nica ang kanilang mga usapan sa text at bilang parusa kay Nica ay hindi siya pinalapit kay Pura. Nawala na lamang bigla ang lahat. Tuluyan ng naglaho ang pinakamamahal ni Pura. Ang dating mga sumpaan ay nauwi sa kabiguan. Ang mga matatamis na halik at yapos ay nauwi sa iwasan at wagas na sakitan. Ang lahat ay naglaho.

Habang sinasariwa ni Pura ang mga mapapait na kaganapan sa kanyang buhay pag-ibig, may napuna siyang papel na nakausli sa may patas patas niyang libro. Binuklat niya ito at binasa:
Dear Pura,                                                                                                        July 13, 2011
                        Kamusta na? Miss na miss na kita. Gusto kong maging maikli itong sulat ko para diretso at wala nang paligoy ligoy pa. Mahal na mahal kita Pura, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Ngunit mayroong mga bagay sa buhay na talagang hindi meant to be. Babae ka, babae ako, hindi tama ‘to. At higit sa lahat, kahit gaano pa kita kamahal, hindi talaga kita kayang ipaglaban. Maraming beses na tayong naghiwalay dahil sa mga away natin. At ayaw na kitang masaktan pa nang dahil sa kaduwagan ko.
            Ngunit sa huling pagkakataon, nais ko sanang maayos ito. Alam kong napaka taliwas ang mga pahayag na sinabi ko sa gusto kong mangyari. Gusto ko sanang bigyan pa muli ang ating relasyon ng isa pang pagkakataon. Kung maaari sana. Mahal na mahal kasi kita.
            Sana’y payagan mo akong makipagbalikan sa ‘yo Pura. I love you so much!
                                                                       
                                                                                                                        Nagmamahal,
                                                                                                                        Nicababes Ü

“Letsugas, kung kelan ayoko ng balikan ‘yung araw na tinanggihan ko ‘yung pakikipagbalikan niya. Santisima! E eh. Nakakaasar! Kauma,” naiinis na sinabi ni Pura sa kanyang sarili.

Kumuha siya ng unan at niyapos ito nang mahigpit. Singhigpit ng pagkakayakap niya noon kay Nica. Yakap na tila walang katapusan sa tamis at dalisay na pagmamahal. Habang yakap yakap ni Pura ang kanyang unan ay tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Pumikit siya hanggang sa makalimutan niya ang sakit na naidulot ng mga litratong nagpaalala sa kanyan kung gaano niya kamahal si Nica. Walang salitang makahihigit pa sa naramdaman ni Pura kay Nica. Naramdaman nga ba o nararamdaman?

“Tanginang pictures yan o, shit lang. Napapaiyak tuloy ako, bwisit,” ani Pura.

Sa bawat patak ng luha sa mga mata ni Pura ay napapahimbing siya sa tulog. Hindi niya namalayan na siya pala’y nakakatulog na.







Shuffle

SHUFFLE

"Utang na loob! Bakit ba naka shuffle lagi 'yang tugtog mo sa i pod mo?", sigaw ni Marty habang naglalakad sila papunta sa Cali Cafe, isang kapihan malapit sa tinutuluyan nilang apartment.
"'Mas maganda nga 'yun Marts, random thoughts, haha. masasakit na random thoughts.”,sabi ni Pura.
“E bakit sambakol yang muka mo? Daig mo pa naka singko sa exam!”, ulot naman ni Marty.
“O sige, pa random-random thoughts ka pa diyan. Ano namang meron 'pag naka shuffle? laki ng problema ng batang 'to ah. sus. kung alam ko lang. BH ka kaya ka ganyan. Ayaw mo lang na marinig 'yung kantang kinanta niya sayo 'nung kayo pa, o 'yung kahit na anung tugtog na pwedeng makapagpa alala sa kanya sa'yo. Labo no? “ , banat ni Marty habang dumudukot ng yosi at lighter sa bulsa.
Tila wala sa sarili si Pura at nalagpasan niya ang kapihan. Hinablot ni Marty ang kanyang braso at inalis ang earphones ni Pura.
“Purs, ang poor talaga ng utak mo. Lutang ka na naman. Kaya talaga Pura ang pangalan mo e. Hahahahaha! Baliw, lagpas ka na sa kapihan!”, ulot ni Marty.
Yumuko lang si Pura at sumunod na lamang kay Marty. Palinga-linga si Pura na parang unang beses niyang pumunta sa Cali Cafe. Punumpuno ito ng artworks ng mga artist mula sa kalapit na unibersidad. Sa sobrang kalutangan ni Pura, mali pang mesa ang napag upuan niya. Imbis na sa kinalalagyan ng bag nila, dun pa siya pumwesto sa kinauupuan ng council head sa kalapit na unibersidad.
“Puuuura! Ano ba? Okey ka lang? ‘dun tayo sa mesa sa labas para pwede sa yosi! Table yan nina Pats!”, nagngingitngit na sinabi ni Marty.
“Letsugas. Sorry ha. Ang echos ko kasi ngayon. Argh! Natitimang na ko Marty, grabe! Define timang, ulaga and lutang teh!” ani Pura.
“Hala. Teka, patext na lang ako. Itetext ko lang si Luigi para sumunod dito at tsaka para naman mahimasmasan ka kahit papano.” , sabi ni Marty.  
Lumipat ng upuan si Pura habang nakikinig ng napakalakas na tugtugin mula sa kanyang i-pod. Tugtugin na naririnig na ng katabi niya. Rakenrol talaga ang tugtugin ni Pura, rakista kasi siya. Bigla na lamang nagbago ang kanyang mood nang marinig ang kantang Ikaw Lamang. Parang paiyak na si Pura, animo’y isang kuting na tatahi-tahimik, hindi tulad noon na parang isang umalohokan sa sobrang ingay.  Kinakala-kalabit niya ‘yung Stop the Pendulum, isang artwork na binalutan ng relo ang pendulum ng isang mas malaking relo. Habang nag-iisip ng oorderin sa counter, napuna niyang wala pala sa kanya ang kanyang cellphone. Agad siyang tumayo at kinalabit si Marty na umoorder ng Cappuccino sa counter.
“Letsugas, Marty, nasa ‘yo ba cellphone ko? Grabe, kinakabahan ako, mapapagalitan ako ng nanay ko niyan!”, nag-aalalang sinabi ni Pura.
“Chill Purs. Nasakin ang cp mo. Hiniram ko kanina, diba? Hanla, lutang talaga are e. Kaawa awa ka naman neng, para kang kindergarten e. Hulong, punta na roon at i oorder na lang kita ng kape. Huwag kang aangal ha, treat ko ‘to kaso ito lang kaya ng budget ko.” , sabi ni Marty.
“Keri lang Marts, go ahead. Lalabas na ko, magyoyosi lang. Salamat ulit!”, sabi ni Pura na parang pilit ang ngiti.
Tulala si Pura sa mesa habang nakikinig sa tugtuging nakapagpapaalala sa kanya sa kanyang ex. Sa bawat hithit ay tila sinasariwa niya ang kanyang nakaraan at sa bawat buga ay animo’y pinakakawalan niya ang mga bagay na nakapagpapasakit sa kanyang loob. Inilapit niya ang ash tray at pinatay ang yosi. Nakita na niyang parating si Marty kung kaya’t ngumiti siya nang parang pilit.

“Pura, here’s your cappuccino! Sana e mapangiti ka na at mabawasan yang pagka emo mo.”, sabi ni Marty.
“Hala, ewan ko ba Marts. Salamat nga pala sa kape. Nababasag lang kasi ako ngayon, parang ngayon ko lang naramdaman ung aftershock nung breakup eh. Sorry Marts, ang tamlay ko tuloy.”, malungkot na sinabi ni Pura.
“Hays, sige Pura, ilabas mo na lang ‘yan. Tutal, may yosi ka naman at kape diyan. Go lang! Makikinig lang akets.”, patawang sinabi ni Marty.
Nagbuntong hininga si Pura. Sa mga sandaling iyon ay parang anlalim ng pinaghugutan niya ng hininga at parang basag na basag sa buhay, wasak ang puso’t isipan, at pilit na isinasa-wisyo ang kanyang utak. Ngunit kahit ano pa ang kanyang gawin, talagang lutang si Pura. Sa sobrang kawalan niya sa wisyo, kauntikan na niyang maidutdot ang sinindihang yosi sa kape.
“Purita! Santisima! Weyk ap! Gusto mong buhusan kita ng kumukulong kape para lang magising ka? Grabe! Nag-umpisa lang diyan sa peste mong mga kanta sa i pod, nagkaganyan ka na, inayko!”, pasigaw na sinabi ni Marty upang magising si Pura.
“Hays, oo na Marty, ako na ang tanga.” , ani Pura.
Isinalaysay na ni Pura ang kanyang mapait na karanasan sa kanyang minahal.
Grabe na lang pinagdaanan ni Pura nung sinabi ng tropa niya na mag move on na sa girlfriend niya. Tangina. Hirap alisin sa sistema 'yung bagay na araw araw mong ginagawa. Mapa-unli o hindi, itetext niya ang kanyang girlfriend at kakamustahin kung nakakain na ba, kung ayos lang ba araw niya, at kahit ano pa man ang maging sagot niya, isang malaking ngiti pa rin ang makikita sakin. Wala talagang magagawa, mahal niya 'yung tao e. Kahit pa muka 'yang kabayo o kahit na anong klaseng tikbalang pa yan, mamahalin at mamahalin pa rin ‘yan ni Pura. Wagas magmahal si Pura, siya ang tipikal na Motolite lover, pangmatagalan.
Sumipsip ng kape si Pura at tumuloy sa pag kwento. Humiram siya ng lighter kay Marty ay sumindi ng isa pang stick ng black menthol.
“Alam naman niyang dine-date ko yung karibal niya sakin dati e. Alam kong lately, nasasaktan na siya. Lumalabas kami twing sabado, nanunuod ng sine. Nagagawa ko yung mga gusto kong gawin sa present ko na di ko magawa sa past ko. As in. Kulob siya sa mundo ng pamilya niya ‘pre, ang hirap e. At tsaka nakakapag food trip kami nang sagad! Hinahatid ko siya sa sakayan ng mga alas siyete o minsan, alas siyete imedya. Wala lang sa ama niya. Tsaka mas okey na yun para sakin. At least, kaya niya akong ipaglaban, at alam kong strong siya. Kesa naman sa sukdulan niyong kamahal ang isa’t isa, pero sa dulo, wala rin namang sense dahil hindi ka niya kayang iharap sa pamilya niya bilang gelpren.”
Ramdam na ramdam ni Marty ang sakit na dinadanas ni Pura. Kung tutuusin, sino ba naman ang taong kayang ipaglaban ang isang hamak na tomboy? Kung titingnang mabuti ay nagmumukang salot sa pamilya ng kanyang gelpren si Pura. Maluha-luha si Marty habang nakikinig sa makapagbagbag damdaming kwento ni Pura.

“Ako, nung nakipag break sakin ung shota ko, halos muka na ‘kong baliw sa campus. Walang inorasan ang pag-iyak ‘pre. Tagos sa buto ang sakit. Parang kahit balat lang ng tsitsiryang kinain namin nung date namin, iiyak na ko. Pre, malala talaga. Pero nung ako na yung umayaw, trages. Parang kinain ko lahat ng sinabi ko. Nakaka bad vibes lang, pero wala. Swak pa rin. Hindi ko alam kung bakit. Kasi siguro...

NAPAGTANTO KO NA. Hindi talaga kami para sa isa’t isa. Babae ako, babae siya. Pwede naman e, wala namang kaso dun, demokratiko ang Pilipinas. PERO, hindi lahat matatanggap at duwag siyang ipaglaban ako. Kahit anong gawin kong pagmamahal sa kanya, kahit ilang taon pa, kung di rin naman ako kayang ipaglaban, para saan pa?, dba?

Chaka lang kalalabasan nun ‘pre.