Lunes, Setyembre 5, 2011

Shuffle

SHUFFLE

"Utang na loob! Bakit ba naka shuffle lagi 'yang tugtog mo sa i pod mo?", sigaw ni Marty habang naglalakad sila papunta sa Cali Cafe, isang kapihan malapit sa tinutuluyan nilang apartment.
"'Mas maganda nga 'yun Marts, random thoughts, haha. masasakit na random thoughts.”,sabi ni Pura.
“E bakit sambakol yang muka mo? Daig mo pa naka singko sa exam!”, ulot naman ni Marty.
“O sige, pa random-random thoughts ka pa diyan. Ano namang meron 'pag naka shuffle? laki ng problema ng batang 'to ah. sus. kung alam ko lang. BH ka kaya ka ganyan. Ayaw mo lang na marinig 'yung kantang kinanta niya sayo 'nung kayo pa, o 'yung kahit na anung tugtog na pwedeng makapagpa alala sa kanya sa'yo. Labo no? “ , banat ni Marty habang dumudukot ng yosi at lighter sa bulsa.
Tila wala sa sarili si Pura at nalagpasan niya ang kapihan. Hinablot ni Marty ang kanyang braso at inalis ang earphones ni Pura.
“Purs, ang poor talaga ng utak mo. Lutang ka na naman. Kaya talaga Pura ang pangalan mo e. Hahahahaha! Baliw, lagpas ka na sa kapihan!”, ulot ni Marty.
Yumuko lang si Pura at sumunod na lamang kay Marty. Palinga-linga si Pura na parang unang beses niyang pumunta sa Cali Cafe. Punumpuno ito ng artworks ng mga artist mula sa kalapit na unibersidad. Sa sobrang kalutangan ni Pura, mali pang mesa ang napag upuan niya. Imbis na sa kinalalagyan ng bag nila, dun pa siya pumwesto sa kinauupuan ng council head sa kalapit na unibersidad.
“Puuuura! Ano ba? Okey ka lang? ‘dun tayo sa mesa sa labas para pwede sa yosi! Table yan nina Pats!”, nagngingitngit na sinabi ni Marty.
“Letsugas. Sorry ha. Ang echos ko kasi ngayon. Argh! Natitimang na ko Marty, grabe! Define timang, ulaga and lutang teh!” ani Pura.
“Hala. Teka, patext na lang ako. Itetext ko lang si Luigi para sumunod dito at tsaka para naman mahimasmasan ka kahit papano.” , sabi ni Marty.  
Lumipat ng upuan si Pura habang nakikinig ng napakalakas na tugtugin mula sa kanyang i-pod. Tugtugin na naririnig na ng katabi niya. Rakenrol talaga ang tugtugin ni Pura, rakista kasi siya. Bigla na lamang nagbago ang kanyang mood nang marinig ang kantang Ikaw Lamang. Parang paiyak na si Pura, animo’y isang kuting na tatahi-tahimik, hindi tulad noon na parang isang umalohokan sa sobrang ingay.  Kinakala-kalabit niya ‘yung Stop the Pendulum, isang artwork na binalutan ng relo ang pendulum ng isang mas malaking relo. Habang nag-iisip ng oorderin sa counter, napuna niyang wala pala sa kanya ang kanyang cellphone. Agad siyang tumayo at kinalabit si Marty na umoorder ng Cappuccino sa counter.
“Letsugas, Marty, nasa ‘yo ba cellphone ko? Grabe, kinakabahan ako, mapapagalitan ako ng nanay ko niyan!”, nag-aalalang sinabi ni Pura.
“Chill Purs. Nasakin ang cp mo. Hiniram ko kanina, diba? Hanla, lutang talaga are e. Kaawa awa ka naman neng, para kang kindergarten e. Hulong, punta na roon at i oorder na lang kita ng kape. Huwag kang aangal ha, treat ko ‘to kaso ito lang kaya ng budget ko.” , sabi ni Marty.
“Keri lang Marts, go ahead. Lalabas na ko, magyoyosi lang. Salamat ulit!”, sabi ni Pura na parang pilit ang ngiti.
Tulala si Pura sa mesa habang nakikinig sa tugtuging nakapagpapaalala sa kanya sa kanyang ex. Sa bawat hithit ay tila sinasariwa niya ang kanyang nakaraan at sa bawat buga ay animo’y pinakakawalan niya ang mga bagay na nakapagpapasakit sa kanyang loob. Inilapit niya ang ash tray at pinatay ang yosi. Nakita na niyang parating si Marty kung kaya’t ngumiti siya nang parang pilit.

“Pura, here’s your cappuccino! Sana e mapangiti ka na at mabawasan yang pagka emo mo.”, sabi ni Marty.
“Hala, ewan ko ba Marts. Salamat nga pala sa kape. Nababasag lang kasi ako ngayon, parang ngayon ko lang naramdaman ung aftershock nung breakup eh. Sorry Marts, ang tamlay ko tuloy.”, malungkot na sinabi ni Pura.
“Hays, sige Pura, ilabas mo na lang ‘yan. Tutal, may yosi ka naman at kape diyan. Go lang! Makikinig lang akets.”, patawang sinabi ni Marty.
Nagbuntong hininga si Pura. Sa mga sandaling iyon ay parang anlalim ng pinaghugutan niya ng hininga at parang basag na basag sa buhay, wasak ang puso’t isipan, at pilit na isinasa-wisyo ang kanyang utak. Ngunit kahit ano pa ang kanyang gawin, talagang lutang si Pura. Sa sobrang kawalan niya sa wisyo, kauntikan na niyang maidutdot ang sinindihang yosi sa kape.
“Purita! Santisima! Weyk ap! Gusto mong buhusan kita ng kumukulong kape para lang magising ka? Grabe! Nag-umpisa lang diyan sa peste mong mga kanta sa i pod, nagkaganyan ka na, inayko!”, pasigaw na sinabi ni Marty upang magising si Pura.
“Hays, oo na Marty, ako na ang tanga.” , ani Pura.
Isinalaysay na ni Pura ang kanyang mapait na karanasan sa kanyang minahal.
Grabe na lang pinagdaanan ni Pura nung sinabi ng tropa niya na mag move on na sa girlfriend niya. Tangina. Hirap alisin sa sistema 'yung bagay na araw araw mong ginagawa. Mapa-unli o hindi, itetext niya ang kanyang girlfriend at kakamustahin kung nakakain na ba, kung ayos lang ba araw niya, at kahit ano pa man ang maging sagot niya, isang malaking ngiti pa rin ang makikita sakin. Wala talagang magagawa, mahal niya 'yung tao e. Kahit pa muka 'yang kabayo o kahit na anong klaseng tikbalang pa yan, mamahalin at mamahalin pa rin ‘yan ni Pura. Wagas magmahal si Pura, siya ang tipikal na Motolite lover, pangmatagalan.
Sumipsip ng kape si Pura at tumuloy sa pag kwento. Humiram siya ng lighter kay Marty ay sumindi ng isa pang stick ng black menthol.
“Alam naman niyang dine-date ko yung karibal niya sakin dati e. Alam kong lately, nasasaktan na siya. Lumalabas kami twing sabado, nanunuod ng sine. Nagagawa ko yung mga gusto kong gawin sa present ko na di ko magawa sa past ko. As in. Kulob siya sa mundo ng pamilya niya ‘pre, ang hirap e. At tsaka nakakapag food trip kami nang sagad! Hinahatid ko siya sa sakayan ng mga alas siyete o minsan, alas siyete imedya. Wala lang sa ama niya. Tsaka mas okey na yun para sakin. At least, kaya niya akong ipaglaban, at alam kong strong siya. Kesa naman sa sukdulan niyong kamahal ang isa’t isa, pero sa dulo, wala rin namang sense dahil hindi ka niya kayang iharap sa pamilya niya bilang gelpren.”
Ramdam na ramdam ni Marty ang sakit na dinadanas ni Pura. Kung tutuusin, sino ba naman ang taong kayang ipaglaban ang isang hamak na tomboy? Kung titingnang mabuti ay nagmumukang salot sa pamilya ng kanyang gelpren si Pura. Maluha-luha si Marty habang nakikinig sa makapagbagbag damdaming kwento ni Pura.

“Ako, nung nakipag break sakin ung shota ko, halos muka na ‘kong baliw sa campus. Walang inorasan ang pag-iyak ‘pre. Tagos sa buto ang sakit. Parang kahit balat lang ng tsitsiryang kinain namin nung date namin, iiyak na ko. Pre, malala talaga. Pero nung ako na yung umayaw, trages. Parang kinain ko lahat ng sinabi ko. Nakaka bad vibes lang, pero wala. Swak pa rin. Hindi ko alam kung bakit. Kasi siguro...

NAPAGTANTO KO NA. Hindi talaga kami para sa isa’t isa. Babae ako, babae siya. Pwede naman e, wala namang kaso dun, demokratiko ang Pilipinas. PERO, hindi lahat matatanggap at duwag siyang ipaglaban ako. Kahit anong gawin kong pagmamahal sa kanya, kahit ilang taon pa, kung di rin naman ako kayang ipaglaban, para saan pa?, dba?

Chaka lang kalalabasan nun ‘pre.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento